Tumaas ang presyo ng kada kilo ng puting sibuyas sa ilang mga pamilihan kasabay ng pagtaas ng ilang mga pangunahing bilihin tulad ng asukal.
Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa P380 ang presyo ng kada kilo ng local white onions sa mga pangunahing pamilihan sa Metro Manila, mula sa P250 na naitalang presyo nito noong Biyernes lamang.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, tinitignan na ng DA ang sitwasyon ng supply ng puting sibuyas bilang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo nito.
Dagdag pa ni Evangelista na magkakaroon aniya ng konsultasyon ang ahensya sa mga stakeholders upang matugunan ang sitwasyon ng supply at talakayin ang posibilidad ng pagpataw ng suggested retail price (SRP) sa presyo ng sibuyas.
Samantala, namang nakitang paggalaw sa presyo ng pulang sibuyas ang DA sa merkado.