Presyo ng puting sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, sumipa na sa higit P400 kada kilo

Muling sumipa ang presyo ng puting sibuyas sa pamilihan sa Metro Manila.

Sa Marikina Public Market, aabot na sa P380 hanggang P400 ang presyo ng kada kilo ng puting sibuyas pero karamihan sa mga ito ay bultuhan nang nabili ng mga may restaurant kung kaya’t hindi na nagbebenta ng tingi o tig-iisang kilo lamang.

Habang nasa P450 na ang presyo ng kada kilo ng puting sibuyas sa Pasig Public Mega Market dahil din sa kakulangan ng supply nito.


Ayon sa mga nagtitinda, halos wala na rin kasing dumarating na puting sibuyas mula sa kanilang mga supplier sa Nueva Ecija at ilang araw na rin silang walang makuhang sibuyas dahil ilang buwan ng tapos ang anihan.

Kaugnay nito, hinimok ng grupo ng mga magsasaka ng sibuyas sa Nueva Ecija, ang pamahalaan na ipagpaliban na muna ang pag-aangkat ng puting sibuyas dahil sapat pa naman umano ang pulang sibuyas ng bansa upang matugunan ang kasalukuyang demand.

Samantala, tumaas na rin sa P5 hanggang P10 ang presyo ng kada kilo ng mga gulay sa Marikina Public Market, habang may bahagyang paggalaw rin sa presyo ng gulay sa Pasig Public Mega Market naman, may bahagyang paggalaw din sa presyo ng gulay na umaabot ng P5 ang pagtaas.

Facebook Comments