Target ng Department of Tourism (DOT) na babaan pa ang presyo ng COVID-19 RT-PCR test para sa mga turista.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nais nilang maging abot-kaya para sa lahat ang pagbiyahe lalo ngayon na inalis na ng gobyerno ang age restriction policy.
Aniya, mahal pa rin ang P750 na discounted fee sa RT-PCR test sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at mabigat ito sa bulsa ng mga malaking pamilyang na makabiyahe.
Samantala, dahil sa inaasahang pagdami ng biyahero, pinag-aarala na ng ahensya ang pagtatayo ng satellite offices kung saan pwedeng magpa-test ang mga turista.
Depende rin aniya sa lokal na pamahalaan kung ire-require pa rin nila ang confirmatory swab tests o vaccination cards.
Matatandaang noong Biyernes, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang No Age restriction, partikular sa mga manggagaling sa Metro Manila papunta sa mga tourist destinations na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.
Pero ayon sa kalihim, ang mga biyahero naman na edad 65 pataas ay dapat pa ring fully vaccinated kontra COVID-19.