Presyo ng sardinas, nakaambang tumaas!

Manila, Philippines – Asahan ng taas ang presyo ng sardinas anumang araw.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), isinasapinal pa nila ang hiling ng Canned Sardines Association of the Philippines na 50 hanggang 80 centavos na dagdag na singil.

Paliwanag naman ni Marvin Lim, pangulo ng Canned Sardines Association of the Philippines, ito ang kalahati ng kabuuang dapat dagdag na presyo na noong nakaraan pang taon sa DTI.


Maliban sa sardinas, sinabi ni Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Associations, posible rin tumaas ng dalawa hanggang limang porsyento ang ilang brand ng toyo, suka, patis, formula milk at noodles.

Payo naman ni Cua, suriing mabuti ang mga produktong binibili.

Facebook Comments