Inihayag ngayon ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) na posibleng tumaas ang presyo ng sardinas sa susunod na taon kasunod ng pagtaas ng presyong langis at raw materials.
Ayon kay CSAP President Francisco Buencamino na hindi na nila kakayanin na hindi magtaas ng presyo pagkatapos ng Bagong Taon.
Nakiusap na rin aniya sa kanila si Trade Secretary Alfredo Pascual na patapusin muna ang Bagong Taon bago sila magtaas ng presyo sa kanilang produkto
Samantala, ayon pa sa ilang Sardine Manufacturers, sumirit din ang presyo ng tamban na ginagamit sa paggawa ng sardinas.
Paliwanag ni Marvi Tiu Lim, Chief Growth and Development Officer ng Mega Prime Foods Inc., pumalo sa P48 hanggang P52 ang presyo ng kada kilo ng tamban mula sa P28 hanggang P32 bawa kilo lamang noong nakaraang taon.
Binigyang-diin pa ni Lim na mahina ang huli ng tamban sa Zamboanga Peninsula sa La Niña at El Niño ngunit inaasahan namang tataas ito dahil sa closed fishing season.