PRESYO NG SCHOOL SUPPLIES, NAGSIMULA NG TUMAAS DAHIL SA PAPALAPIT NA PAGBUBUKAS MULI NG ESKWELA

Habang papalapit na muli ang pagbubukas ng pasukan sa August 29, nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga school supplies na itinitinda sa mga department stores at ilan pang pamilihan.
Ayon sa nilabas na suggested retail price ng Department of Trade and Industry, tumaas ang presyo ng mga school supplies as per July 25, 2023 kung saan nasa 23 pesos hanggang 52 pesos ang notebook, nasa 18 pesos hanggang 33 pesos ang tatlong piraso ng lapis, at ang tatlong piraso naman ng ballpen naglalaro sa 24 pesos hanggang 33 pesos ang presyo.
Sabi namang Department of Trade and Industry ay patuloy naman umano ang kanilang pagbabantay sa mga presyo ng school supplies sa mga pamilihan noong pang Hunyo habang papalapit ng papalapit ang pasukan ng mga estudyante.

Ang ilang mga magulang naman kung saan tatlo hanggang apat ang mga anak na magsisibalikan sa pasukan ay gumagawa ng paraan para mapagkasya ang budget para mabili ang mga mas importanteng kakailanganin ng mga ito para sa balik-eskwela.
Magkakaroon umano ng mga surprise inspection ang DTI para mamonitor ng actual ang mga presyo ng school supplies at masigurong nasusunod ang mga nararapat lamang na presyo para sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments