PRESYO NG SCHOOL SUPPLIES NGAYONG PASUKAN, TINUTUKAN NG DTI ISABELA

CAUAYAN CITY – Tinututukan ngayon ng Department of Trade and Industry ang pagsasagawa ng monitoring sa lahat ng nagtitinda ng school supplies para sa nalalapit na araw ng pasukan.

Kabilang sa mga dinayo ng DTI Isabela upang magsuri ng mga presyo ng gamit pang eskwela ay ang palengke ng Ilagan City at Santiago City.

Umaabot naman sa kabuuang 14 na establisyimento ang personal na binisita ni CPD Chief Mr. Elmer A. Agorto, kasama ang iba pang technical assistants ng DTI upang masiguro na abot kaya at hindi lalampas sa Suggested Retail Price o SRP ang presyo ng mga supplies.


Kaugnay nito, patuloy naman na pinapaalalahan ang lahat ng business owners na sumunod sa mga nakatakdang panuntunan para na rin sa kapakanan ng bawat konsyumers.

Facebook Comments