Presyo ng school supplies sa Divisoria sa Maynila, tumaas na ng P5 –P10, isang buwan bago ang pasukan; mga lumang stock ng school supplies sa Muñoz Market sa Quezon City, walang paggalaw sa presyo!

Patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga gamit ng mga bata sa paaralan, isang buwan bago ang pasukan.

Sa Divisoria sa Maynila, naglalaro sa limang piso hanggang sampung piso ang itinaas ng presyo ng mga school supplies na wholesale.

Sa ngayon ang presyo ng:
 Notebook na 10pcs – P105.00 na dati ay P90.00
 Yellow pad – P250.00 na dati ay P230.00
 Intermediate pad – P105.00 na dati ay P95.00
 Ball pen (per box depende sa size) – P50.00 na dati ay P45.00
 Lapis (per box) – P75.00 na dati ay P70.00


Ang presyo ng mga school supplies ay inaasahang tataas pa habang papalapit ang pasukan sa Agosto 22.

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng mga lumang stock ng school supplies sa ilang pamilihan dahil sa dalawang taon na COVID-19 pandemic.

Sa Muñoz Market sa Quezon City, nanatili ang presyo ng ilang school supplies sa mga sumusunod:

 Notebook na may 80 pages – P15.00
 Writing pad – P12.00
 Intermediate pad – P20.00
 Ballpen – P6.00
 Lapis – P8.00
 Crayons (single) – P28.00
 Crayons (double) – P48.00

Hindi pa naman tiyak ng mga nagtitinda na kung magtataas sila sa presyo ng mga school supplies.

Nabatid sa hanggang sa ngayon ay wala pa ring inilalabas ang Department of Trade and Industry na suggested retail price (SRP) sa mga gamit pang-eskuwela.

Samantala, naging matumal naman ang bentahan ng mga school uniform sa ilang tindahan sa Tutuban Market.

Ito ay matapos ianunsyo ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na hindi na require ang pagsusuot ng school uniform sa mga pampublikong paaralan sa pasukan.

Facebook Comments