Binabantayan ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang mga presyo ng school supplies sa pamilihan kasabay ng pagdagsa ng mga mamimili habang papalapit ang pagbubukas ng school year sa susunod na buwan.
Labing dalawang establisyimento ang binisita sa San Carlos City at Calasiao upang iinspeksyunin at masigurong may sapat na suplay ang mga ito ng school supplies sa kabila ng demand nito sa publiko.
Binigyan katiyakan ng tanggapan na naaayon ang presyo at nananatiling maayos ang suplay ng mga school supplies na ibinibenta sa publiko.
Inaasahan na ng DTI ang pagdami pa ng mga konsyumer na bibili ng mga school supplies sa mga nalalabing araw bago ang balik eskwela.
Bukod dito, ininspeksyon rin ng tanggapan ang presyo at suplay ng construction materials, & basic necessities, at prime commodities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









