PRESYO NG SIBUYAS AT BAWANG, BUMABA NA AYON SA MGA ONION SELLERS

Bumaba na umano ng nasa sampu hanggang bente pesos ang kada kilo ng sibuyas at bawang sa merkado, ayon mismo sa ilang mga onion sellers sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Kung dati ay nasa 150 pesos hanggang 150 pesos ang kada kilo ng mga ito, ngayon ay nasa 120 hanggang 130 pesos na lamang.
Kadalasan naman sa mga vegetable vendors sa Dagupan City, sa bagsakan market sa Urdaneta City ang pinag-aangkatan ng kanilang mga inilalakong produkto at ayon pa sa mga ito, marami raw ngayon ang suplay ng produktong bawang at sibuyas ngayon.

Inaasahan naman ng mga ito na mananatili ang tukoy na presyo ngayon hanggang sa mga susunod pang mga linggo dahil sa suplay nito.
Sa kabilang banda, ilang mga mamimili naman ay umaasa pa rin na bumaba pa ang presyo lalo na isa umano ito sa mga pangunahing spices na kinakailangan sa pagluluto.
Sa ngayon, bagamat kinokonsiderang mababa na ang presyuhan nito ay mas pinipili pa rin ng mga mamimili ang tingi tinging pagbili.
Samantala, nagpapatuloy ang usad ng imbestigasyon sa kamara kaugnay sa price manipulation at ang di umano’y hoarding sa produktong sibuyas. Pinag-iigting pa umano ang pagsasaliksik ng mga kongresista at senador para sa mga mapapatunayang kasabwat sa manipulasyon ng presyo at pananagutin umano ng batas. |ifmnews
Facebook Comments