Presyo ng sibuyas at kamatis, doble na!

79

Dumoble na ang presyo ng sibuyas at kamatis sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Mula sa dati nitong presyo na P100, umabot na ngayon sa P200 ang kada kilo ng sibuyas.


Habang P120 naman ang kilo ng kamatis mula sa dating P60 per kilo.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kulang ang supply ng sibuyas at kamatis ngayon dahil sa off season.

Facebook Comments