PRESYO NG SIBUYAS AT LUYA SA DAGUPAN CITY, TUMAAS NG P60-P80

Ilang konsyumer sa Dagupan City ang umaarap sa pagtaas sa presyo ng ilan sa pampalasa na kanilang binibili tulad ng sibuyas at luya.
Nasa 160 pesos ang isang kilo ng sibuyas na pula ngayon habang nasa 100 pesos naman ang sibuyas na puti.
Ang luya naman pumalo na sa 240 pesos ang isang kilo mula sa dati nitong presyo na nasa 160 pesos lamang.
Ayon sa ilang tindera ng gulay, maaaring isa sa dahilan ay ang kakaunting suplay na ibinagsak sa pamilihan dahil sa halalan at pagtatapos ng panahon ng anihan ng mga nasabing produkto.
Sa kabilang banda, ang siling labuyo na isa rin sa tinatangkilik na pampalasa ay nasa 10 pesos ang kada isang supot habang pabago-bago rin ang presyuhan ng ibang gulay tulad ng repolyo.
Patuloy na umaasa ang mga tindera na makakabawi sa kanilang pinuhunan sa kabila ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments