PRESYO NG SIBUYAS SA DAGUPAN CITY, ASAHANG TATAAS

Asahan na umano ang pagtaas sa presyo ng sibuyas sa mga susunod na linggo ayon sa ilang tindera sa Dagupan City.

Ang dahilan ay ang posibleng pagkakaroon ng bahagyang epekto sa suplay dahil sa harabas na nakakaapekto sa mga taniman sa lalawigan.

Ang ibinebenta umano nila ngayon ay ang stock na binagsak pa noong nakaraang linggo kung kaya’t wala pang paggalaw sa presyo nito.

Sa ngayon nasa 120 pesos per kilo ang bentahan sa sibuyas na pula habang nasa 80 pesos per kilo naman sa sibuyas na puti sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments