Nanatili pa rin na mataas ang presyo ng lokal na pulang sibuyas sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.
Ang dahilan ay hindi naapektuhan ng pag-aangkat na pulang sibuyas ang presyo sa mga lokal na sibuyas sa Kalakhang Maynila.
Kapansin-pansin na kahit mayroon ng suggested retail price (SRP) na ₱125 kada kilo, nananatili pa rin sa ₱150 hanggang ₱180 ang kada kilo ng imported na pulang sibuyas sa ilang palengke.
Base sa mismong monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa presyo ay aabot sa ₱300 ang kada kilo ng pulang sibuyas sa Guadalupe Market, Pritil Market at Marikina Public Market.
Habang nasa ₱230 naman ang kada kilo ng murang sibuyas na mabibili sa Commonwealth Market.
Umaaray na ang mga lokal na magsasaka ang kakulangan ng pulang sibuyas na kakaunti ang imported na sibuyas at ayaw pakawalan sa ₱200 ang kada kilo ng pulang sibuyas na farmgate price partikular ito sa nakukuhang sibuyas sa bayan ang Pangasinan.
Sabi ng mga magsasaka, ito umano ang dahilan kaya nananatiling mataas pa rin ang presyo ng bentahan ng lokal na sibuyas sa mga palengke sa Metro Manila.
Ito rin ang dahilan kaya ang Agripreneur Coop na kasama sa nagbebenta sa Kadiwa Store gaya ng matatagpuan sa Maginhawa Street kanto ng Mapagkumbaba Street ay walang benta ng pulang sibuyas at masyado umanong mataas at ayaw pa magbaba ng presyo ng mga magsasaka ng sibuyas.