Presyo ng sibuyas sa mga palengke sa NCR, tumaas na naman

Tumaas na naman ang presyo ng lokal na pulang sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, pinakamahal ang sibuyas na mabibili ngayon sa Marikina Public Market na nasa ₱350 mula sa dating ₱300.

₱320 naman ang kada kilo ng sibuyas sa Guadalupe Public Market sa Makati mula sa dating ₱250.


Mula naman sa ₱280 ay nasa ₱290 na ang bentahan ng sibuyas sa San Andres Market at ₱300 sa Quinta Market sa Maynila.

Nasa ₱20 hanggang ₱60 naman ang itinaas ng presyo nito sa pamilihang lungsod ng Muntinlupa, Pasay City Market, Pasig City Mega Market, Malabon Central Market, Commonwealth Market, Muñoz Market at Mega Q-Mart sa Quezon City.

Pinakamura ang sibuyas sa Pritil Market sa Maynila na nasa ₱250 lang kada kilo.

Facebook Comments