Nasa ₱10 ang itinaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila sa unang linggo ng Oktubre kumpara noong buwan ng Setyembre.
Base sa inilabas na monitoring report ng Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo, umaabot na sa ₱120 ang presyo ng kada kilo ng lokal na pulang sibuyas.
Para sa lokal na puting sibuyas, umaabot na ang presyo nito sa ₱130 habang noong huling linggo ng Setyembre ay umaabot lamang sa ₱110.
Para sa imported na puting sibuyas, umaabot na sa ₱100 kada kilo ang presyo nito mula sa ₱90 noong nakalipas na linggo.
Samantala, wala namang supply ng imported na pulang sibuyas, batay pa rin sa monitoring ng Bantay Presyo team ng DA.
Facebook Comments