Patuloy na tumataas ang presyo ng sili sa mga pamilihan sa Dagupan City, na ngayo’y umaabot na ng ₱1,000 kada kilo para sa pulang sili, habang nasa ₱500 hanggang ₱600 kada kilo naman ang berdeng sili.
Ayon sa ilang tindero na nakapanayam ng IFM News Dagupan, ang kakulangan sa suplay mula sa kanilang mga pinagkukunan ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo. Anila, ilang linggo na nilang nararanasan ang mataas na halaga ng sili, kahit bago pa man pumasok ang buwan ng Disyembre.
Dahil dito, karamihan sa mga mamimili ay mas pinipiling bumili ng patingi-tingi kaysa kiluhan upang makatipid.
Samantala, umaasa ang mga vendor na unti-unting babalik sa normal ang suplay at presyo ng sili upang maging abot-kaya ito para sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments