Presyo ng sili sa public market, pumalo na sa P800 kada kilo

Tumaas ang presyo ng sili sa ilang public market kabilang na ang Commonwealth, Pasig at Marikina ngayong Disyembre.

Pumalo na sa P800 ang kada kilo ng siling labuyo habang sumipa rin ang presyo ng sisiling haba na papalo sa P600 ang kada kilo, nasa P500 kada kilo naman sa presyo ng bell pepper.

Samantala, tumaas din ang presyo ng iba pang mga gulay kabilang na ang:


Ampalaya – P200 kada kilo
Patatas – P140 kada kilo
Carrots – P110 hanggang p120 kada kilo
Talong – P120 hanggang p140 kada kilo

Facebook Comments