Halos triple ng dating presyuhan ng siling labuyo ang ibinaba ng presyo nito ngayon.
Sa Dagupan City, kung ang dating P900 hanggang P1000 ang halaga ng kada kilo nito ngayon, sumadsad ito sa P250.
Bagamat nananatili itong mahal para sa ilan, mainam ang pagbaba ng presyo nito kung ikukumpara sa presyo ng nagdaang mga linggo.
Unti-unti na ring bumababa pa ang presyuhan sa ilang pang gulay na nakitaan ng P20 hanggang P30 na ibinawas sa kada kilo tulad sa kamatis, okra, talong, sayote at iba pa.
Ayon sa ilang tindera ng gulay, bumaba ang presyo ng kanilang produkto dahil sa pagdami ng suplay.
Samantala, umaasa naman ng mga Pangasinense ang pagsadsad din sa presyo ng ilang mga pangunahing produkto tulad ng karne at gulay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments