Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Merlima Ellana, isa sa mga may pwesto ng gulay sa palengke, nagsimula umanong tumaas ang presyo ng sili dahil sa pagbabago muli ng klima.
Aniya, isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo nito ay dahil sa kakulangan ng suplay. Dagdag pa ni Ellana, ang ilang suplay na dapat na napupunta sa Cagayan ay kinukuha umano ng mga nasa Maynila.
Kaugnay nito, maliban sa siling labuyo, tumaas na rin ng halos P10 hanggang P20 ang kada tray ng itlog sa nasabing pamilihan.
Ayon sa ilang nagtitinda, mataas umano ang presyo ng bagsakan ng kanilang mga suplayer. Isa rin umano sa mga rason ay dahil sa mahal na ang feeds at may ilang napaulat rin na insidente ng ‘bird flu’ sa ilang lugar sa bansa.
Dagdag pa ng mga ito, halos wala na rin umanong bumibili ng kanilang mga panindang itlog kung kaya’y karaniwan ay mas marami pa ang nabubulok, at nababasag kaysa sa naibebenta.