Presyo ng tabako, tataas ng ₱3

Inapubahan na ng National Tabacco Association (NTA) ang ₱3 taas presyo ng tabako.

Kasunod ito ng tripartite agreement sa pagitan ng NTA, mga magsasaka at pribadong sektor tungkol sa pagtaas ng floor price ng tabako sa merkado.

Sa ilalim ng kasunduan, ₱3 ang idadagdag sa kada kilo ng Virginia at Burley na tabako habang nasa ₱4 ang taas presyo sa native na tabako.


Para ito ng taong 2022 hanggang 2023.

Epektibo ang taas presyo ng tabako sa oras na aprubahan ito ng NTA Governing Board.

Facebook Comments