Nananatili pa ring mataas ang presyo ng talong at repolyo ayon sa ilang negosyante ng gulay sa palengke sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera ng gulay, kakaunti pa rin umano ang mga naibabagsak na talong at repolyo kung kaya’t dumoble rin ang presyo sa kanilang supplier.
Anila, kung dati ay nasa 350 pesos ang isang bundle ng repolyo, ngayon ay pumapatak ito ng nasa 600 pesos pataas.
Nasa 50 hanggang 70 pesos kada kilo ng talong depende sa laki habang nasa 70 hanggang 80 pesos naman sa repolyo.
Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng chinese pechay, carrots, at patatas na nasa 50 pesos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









