Tumaas ng hanggang P20 ang presyuhan sa kada balot ng tinapa sa lungsod ng Dagupan.
Mula sa P60 hanggang P70, ngayon ay naglalaro na ang presyo nito sa P80 hanggang P90.
Ayon sa ilang tindera ng produkto, dahil daw ito sa ilang linggong nararanasang konting suplay ng galunggong.
Nasa hanggang limampung balot na lang din daw ang kinukuha ng mga ito mula sa supplier dahil nararanasan din ang mahinang bentahan.
Nasa P270 hanggang P280 naman ang kada kilo ng galunggong sa wet market sa Dagupan City na sumipa ang presyo mula P170 hanggang P180.
Samantala, hindi ganon karami umano ang suplay ng galunggong ayon sa mga tindera. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









