
Posibleng tumaas ang presyo ng ilang grocery items sa sandaling magtuloy-tuloy ang pagtaas sa presyo ng petrolyo sa susunod na tatlong linggo.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Steven Cua, bagama’t steady pa sa ngayon ang presyo sa mga supermarket, tatamaan pa rin ang presyo sa industriya, kung tataas ang delivery costs.
Ilan aniya sa mga produkto na posibleng tumaas ang presyo ay ang mga madalas idini-deliver kada linggo gaya ng tinapay, bottled water, soda at softfdrinks.
Pero paglilinaw ni Cua, hindi naman agad basta-basta magtataas ng presyo ang mga manufacturer dahil sa oras na itinaas ang presyo ng grocery items ay mahirap na itong ibaba.
Facebook Comments









