Manila, Philippines – Tumaas ang presyo ng tinapay kabilang na ang tasty at pandesal dahil sa pagtaas din ng presyo ng harina.
Ayon kay Walter Co, treasurer ng Phil. Baking, asosasyon ng bread producers, tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang branded na tinapay noong Agosto.
Giit naman ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng grupong “Laban Konsyumer”, hindi naabisuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko.
Sagot naman ni DTI Undersecretary Ted Pascua, hindi rin sila sinabihan ng bread manufacturers dahil hindi kasi basic commodity ang tasty at pandesal.
Ang importante aniya, napako ang presyo ng pangmasang pinoy tasty at pinoy pandesal, pero hindi pa matiyak ng bakers na hindi rin tataas ang presyo nito.
Samantala, hiniling na ng DTI sa ilang grupo na huwag munang magtaas ng presyo sa kanilang noche buena products para sa holiday season.
Presyo ng tinapay, tumaas dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng harina
Facebook Comments