Presyo ng tindang bulaklak sa Manila South Cemetery, tumaas ng triple ayon sa ilang tindera; bentahan, matumal pa

Doble o halos triple ang itinaas sa presyo ng mga bulaklak na itinitinda sa Manila South Cemetery sa bahagi ng Makati City.

Pero sa kabila nito, abot-kaya pa rin daw ang presyo at pasok pa rin sa budget ng ating mga kababayan.

Ayon kina Shin Darroca at Odette Odessa, na dekada nang nagbebenta ng bulaklak, ganito raw talaga ang nangyayari tuwing panahon ng Undas.

Tumataas raw talaga ang presyo ng mga bulaklak, ngunit kaya pa rin ito ng mga mamimili o mga bumibisita sa naturang sementeryo.

Nasa ₱50 ang pinakamababang presyo ng bulaklak, habang ₱350 naman ang pinakamataas na may simpleng arrangement at ilang piraso ng bulaklak.

Samantala, nararanasan na ang pagdagsa ng mga dumadalaw sa naturang sementeryo simula kaninang umaga.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng Manila South Cemetery sa mga ipinagbabawal na dalhin gaya ng flammable items at mga matutulis na bagay.

Facebook Comments