Presyo ng trigo sa bansa, mahigpit na pinababantayan

Pinababantayang maigi ng Kamara sa pamahalaan ang presyuhan ng “wheat” o trigo sa ating bansa.

Ibinabala sa House Committee on Ways and Means na posibleng magtaas na sa susunod ang presyo ng mga tinapay at iba pang baked goods, dahil sa inaasahang “wheat shortages” o kakulangan sa suplay ng trigo partikular sa darating na Mayo.

Paliwanag ng mga miyembro ng komite, ito ay epekto pa rin ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, na nakaka-apekto sa global wheat supply.


Ang mga nabanggit na bansa kasi ang dalawa sa pinakamalaking wheat supplier sa buong mundo.

Dahil sa nagpapatuloy na krisis, pinatitiyak ng Kamara sa gobyerno na mayroong sapat na supply o imbak ng trigo sa bansa.

Sa ngayon ay naghahanap na rin ang Department of Science and Technology o DOST ng mga “substitute” o alternatibo sa trigo.

Facebook Comments