PRESYO NG UBAS AT IBANG PRUTAS SA DAGUPAN CITY, BALIK NORMAL NA

Bumalik na sa normal ang presyo ng mga ubas sa pamilihan ng Dagupan City matapos ang pagtaas nito noong holiday season.
Ang seedless na ubas, na umaabot sa ₱260-₱280 kada kilo noong Pasko at Bagong Taon, ay bumaba na sa ₱240 kada kilo. Samantala, ang ubas na may buto ay nasa ₱120-₱140 kada kilo, mas mababa kumpara sa dating presyo nitong ₱160-₱180 kada kilo.
Bukod sa ubas, balik-normal na rin ang presyo ng ibang bilog na prutas tulad ng mansanas at ponkan.

Ang mansanas, na dati’y nasa tatlo sa halagang ₱100 noong holiday season, ay mabibili na ngayon sa ₱10-₱25 kada piraso.
Ang ponkan naman ay nasa ₱10 kada piraso. Ayon sa ilang fruit vendors, kahit bumalik na sa normal ang presyo, nananatili pa rin ang interes ng mga konsyumer sa pagbili ng prutas. Marami ang dumadaan sa kanilang pwesto, lalo na’t malapit sila sa baratilyo at food strip, na dinarayo ng mga tao.
Inaasahan nilang magpapatuloy ang magandang bentahan habang nananatiling abot-kaya ang mga presyo ng prutas sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments