Target ng Departmnent of Health at Department (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na mailabas sa susunod na linggo ang rekomendasyon kaugnay sa price range ng COVID-19 testing.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nabuo na ang final draft ng rekomendasyon at hinihintay na lamang ang price range.
Aniya, ang anuman ang maitakdang presyo ay dumaan sa masusing pag-aaral.
Bukod dito, nagsagawa rin aniya ng survey upang matukoy ang presyuhan sa mga laboratoryo, ospital at iba pang health establishment sa bansa.
Tiniyak naman ni Vergeire na ikokonsidera ang lahat ng aspeto gaya ng mga ginagamit na brand sa merkado, logistics at maging utility cost ng mga health establishment.
Kokonsultahin rin nila ang lahat ng stakeholders para maipaliwanag ang kanilang naging basehan.
Matatandaang una nang nagsumite ng rekomendasyon ang DOH sa Malakanyang kaugnay nito at naglabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng regulasyon sa presyuhan ng COVID-19 testing sa bansa.