Presyo sa kada kilo ng karneng baboy sa Pasay Public Market, bahagyang tumaas

Nagtaas na rin ng presyo ang mga nagtitinda ng karneng baboy sa Pasay Public Market.

Ito’y matapos magdagdag ng P5 hanggang ang pinagkukuhanan nila o mga supplier.

Ayon sa mga tindera umaabot na sa P390 hanggang P450 ang choice cut para sa kada kilo ng laman, liempo at kasim.

Habang P360 hanggang P380 kada kilo ang porkchop.

Samantala, nanatili namang sapat ang suplay ng karneng baboy na ibinabagsak sa kanila sa kabila ng mataas na demand nito.

Facebook Comments