
Bahagyang tumaas ang naitalang inflation rate sa bansa nitong January 2026 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Kung saan umakyat ito sa 2.0% kung saan bahagyang mas mataas sa 1.8% na naitala noong December 2025.
Sa kabila nito, mas mababa naman ito kumpara sa 2.9% na nairekord sa parehong buwan noong 2024.
Ilan sa mga nakaapekto sa inflation ay dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente, rentals, at LPG kung saan umabot sa 3.3% ang naitala ng PSA kumpara sa 2.9% na naitala noong nakaraang buwan at ang restaurant at accommodation services na may 4.0% na dati ay nasa 2.4%.
Sa kabila nito, naitala rin ang pagbaba ng inflation sa ilang commodity groups nitong January 26.
Kung saan ang food at non-alcoholic beverages ay nasa 1.1% kumpara sa 1.4% noong Disyembre nakaraang taon, alcoholic beverages at tabako na nasa 3.1% na dating 3.3%, at education service na may 2.8% na dating 3.0%.










