Posibleng tumaas na naman sa susunod na linggo ang presyo sa langis sa bansa.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, batay ito sa monitoring sa trend ng trading price ngayong linggo.
Ipinapakita kasi aniya ng datos na may indikasyong tataas na naman ang presyo ng langis sa world market.
Wala pa namang announcement ang mga oil companies subalit kadalasan ay Sabado o Linggo ito mag-aanunsiyo.
Matatandaang unang sinabi ng DOE na ang pagtaas ng presyo ng krudo sa world market ay dahil sa manipis na supply at mataas na demand nito sa buong mundo.
Sa ngayon, ilang transport group na ang humirit ng dagdag-singil sa pamasahe dahil sa sunod-sunod na oil price hike.
Facebook Comments