Presyo sa mga produktong petrolyo, inaasahang magkakaroon ng rollback sa susunod na linggo

Inaasahan nang magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Oil Industry Source dahil sa apat na araw na trading, aabot sa ₱0.69 ang rollback sa kada litro ng diesel habang ₱0.14 naman ang iro-rollback sa kada litro ng gasolina at ₱0.76 naman sa kada litro ng kerosene.

Sa ngayon inaantay pa ang kabuuang resulta sa magiging trading ngayong araw at ang magiging pinal na presyo ng roll back sa susunod na linggo.


Matatandaang sinabi ng Department of Energy (DOE)na magtutuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng petrolyo hanggang Disyembre ngayong taong kasalukuyan.

Facebook Comments