Presyo sa produktong petrolyo, muling magtataas

Sa ikatlong sunod na linggo – asahan na ang oil price hike sa Martes, Abril 30.

Maglalaro sa P0.90 hanggang P1.00 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa gasolina habang P0.70 hanggang P0.80 naman ang imamahal ng diesel at kerosene.

Mababatid sa kabuuan papalo na sa mahigit P1.50 ang taas-presyo sa gasolina at P2.00 sa diesel at kerosene sa loob lamang ng tatlong magkakasunod na linggo.


Facebook Comments