Manila, Philippines – Bago magtapos ang taon, namumuro ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay dahil sa pagpapatuloy ng pagbagsak ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nasa ₱2.43 na ang ibinagsak sa kada litro ng diesel, ₱1.96 naman sa kada litro ng gasolina at ₱2.44 ang sa kada litro ng kerosene.
Pero ayon sa ilang kumpanya ng langis, kritikal ang magiging kalakalan ngayong araw.
Pagtitiyak naman nila, sakaling bumaba ang presyo ay agad silang magpapatupad ng tapyas singil sa kanilang produkto.
Para kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba – dapat ganito rin ang diskarte ng mga malalaking kumpanya ng langis.
Dagdag pa ng consumer group, dapat walang off setting at hiwalay ang rollback sa pagmura ng presyo ng imported na petrolyo at iba rin ang dagdag presyo bunsod ng dagdag excise tax.