Presyo sa produktong petrolyo, tataas kasabay ng Araw ng Kagitingan

Sasalubungin ng panibagong oil price hike ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, bukas (April 9).

Papalo sa P0.15 hanggang P0.25 ang posibleng taas presyo sa gasolina.

P0.10 hanggang P0.20 naman ang madadagdag sa kada litro ng diesel habang P0.10 hanggang P0.15 ang posibleng umento sa kada litro ng kerosene.


Mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan, papalo na sa halos P9.00 ang itinaas sa presyo ng gasolina.

Mahigit anim na piso naman ang itinaas sa presyo ng diesel at mahigit apat na piso sa kerosene.

Facebook Comments