Presyo sa produktong petrolyo, tataas muli ngayong linggo!

Magkakaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis sa Martes, Pebrero 19.

Magpapatupad ng P0.70 taas-presyo sa kada litro ng gasolina at diesel ang Shell, PTT Philippines at Petro Gazz.

Ipapatupad din ng Shell ang P0.35 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.


Epektibo ang bagong presyo ng mga kompanya alas-6 Martes ng umaga.

Facebook Comments