PRESYUHAN NG PALAY SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN, IKINATUWA NG MGA MAGSASAKA

Ikinatuwa ngayon ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan ang bahagyang pagtaas ng presyuhan ng mga palay ngayong panahon ng anihan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang magsasaka na nagbebenta ng kanilang mga palay ay kahit papaano raw anila ay masaya sila dahil may bahagyang pagtaas sa presyuhan ngayon ng mga palay kung saan sa pagsisiyasat at pagtatanong-tanong ng pa ng IFM Dagupan na ang presyuhan ngayon ng mga palay ay pumapalo ng P18.50 hanggang P23 depende sa klase ng mga binebenta na palay ng mga magsasaka sa kanila.
Paliwanag ng ilang mga bumibili ng palay ay dahil sa sobrang mahal na rin anila kasi ng mga kagamitan at mga pataba upang makapagtanim ng palay ay naiintidihan anila ang mga magsasaka kung kayat medyo itinaas din nila ng bahagya ang presyo ng binibili nilang palay.

Pampawi anila ang mga kaunting pagtaas ng presyo upang kahit papaano ay makatulong sa kanilang mga sakripisyo.
Kung matatandaan kasi noong mga nagdaang anihan ay pumapalo lamang sa P14-18 depende sa klase ang presyuhan ng palay.
Samantala, inaasahan na magkakaroon na ng suplay ng bigas sa mga pamilihan dahil unti-unti ng nag-aani ang mga magsasaka sa lalawigan maging sa ibang lugar sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments