𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Walang inaasahang paggalaw sa mga presyo ng mga agricultural products sa darating na holiday season, ito ay ayon mismo sa Department of Agriculture (DA).
Isang nakikitang dahilan ay ang malakas na lokal na produksyon ng mga ito Pilipinas, dagdag pa ang nagpapatuloy na pag-import ng mga produkto sa bansa.
Sa kasalukuyan ay stable umano ang produksyon ng mga produktong manok at baboy lalo pa sa huling quarter ng taon, maging presyo ng bigas ngayon sa mga pamilihan.

Sa Dagupan City, nananatili at wala ring paggalaw sa kada kilo ng manok at baboy, at ilang mga piling prutas at gulay.
Samantala, sa darating na buwan ng Disyembre tiyak naman ang pagtangkilik sa mga agri products bilang pagdiriwang sa Christmas at New Year season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments