PREVENTIVE MAINTENANCE NG DECORP, NAKATAKDANG ISAGAWA

Ngayong buwan ng Abril hanggang Mayo ang nakatakdang panahon para sa isasagawang preventive maintenance ng Dagupan Electric Corporation o ang DECORP.
Saklaw ng nasabing maintenance ang pagpapalit ng poste, checking ng transformers, gayundin ang paglinis sa mga sanga sanga ng punong kahoy na nahahagip sa mga linya ng kuryente.
Short duration power interruption o katumbas lamang ng isa hanggang tatlong oras ang pansamantalang pagputol ng kuryente upang maisagawa ang kinakailangang maintenance.

Mainam ang pagsasagawa ng maintenance ngayong tag-init ayon sa DECORP dahil kapag dumating na umano ang tag-ulan ay hindi na nila maisasagawa ito dahil sa mga posibleng maganap na mga insidente sa panahon ng rainy season. |ifmnews
Facebook Comments