Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na paigtingin ang preventive measures laban sa dengue.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – mahalagang maisagawa ang preventive measure upang hindi na tumaas pa ang kaso nito.
Base sa report ng DOH – Epidemiology Bureau, malapit nang umabot sa 200,000 ang kaso ng dengue sa bansa.
Kabilang sa isinusulong na preventive measures ng DOH ang 4s Strategy: Search and Destroy; Self-Protection; Seek Early Consultation; Support Fogging.
Hinimok ng DOH ang publiko na magsagawa ng ‘sabayang 4-o’clock habit’ para puksain ang mga mosquito breeding sites.
Facebook Comments