Preventive shutdown ng Malampaya gas field, hindi makakaapekto sa vaccination program ng pamahalaan

Tiwala ang Malacañang na hindi makakaapekto sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang nakatakdang 20 araw na shutdown ng Malampaya gas field para sa kanilang preventive maintenance sa Oktubre 2-20 ngayong taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, una nang tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang availability ng power supply sa oras na mag-offline na ang Malampaya sa Oktubre.

Bukod dito, hindi na rin naman aniya tag-init kaya’t hindi na rin mataas ang inaasahang demand sa kuryente.


Dahil dito, positibo ang Palasyo na magtutuloy-tuloy lamang ang vaccination program at hindi maaapektuhan ang mga COVID-19 vaccines, lalo na ang mga sensitibong bakuna na nangangailangan ng super cold temperature tulad ng Pfizer.

Facebook Comments