Manila, Philippines – Inilagay na sa preventive suspension ang 6 na empleyado ng Miascor na di umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga laman ng bagahe ng isang Jovenil Delacruz ng Pandi, Bulacan.
Ang nasabing karanasan ni Dela Cruz ay naka-post sa FB at naging viral.
Sa nasabing video na mayruong 2M views, 32,000 likes and reactions, at 70,981 shares ipinakita ni Dela Cruz na wasak ang zipper ng 3 nilang maleta pati ang box na naglalaman ng mga pasalubong ay bukas at wala narin ang mga laman.
Ayon kay Clark Intl Airport Corp Acting President and CEO Alexander Cauguiran hindi nila kinukunsinte ang ganitong maling gawain.
Ang Miascor ang syang naka kontratang mangasiwa sa mga bagahe ng mga byahero sa Clark.
Samantala, hindi muna isinapubliko ang pangalan ng 6 na suspek dahil sa pending administrative charges na isasampa laban sa mga ito ng airport authority.
Irerekumenda rin ng CIAC sa Miascor ang tuluyang pagtanggal sa trabaho sa mga sangkot sa nasabing insidente.
Kasunod nito, nagbigay ang Miascor ng P84, 000 sa biktima kaugnay ng pagkawala ng laman ng kanyang bagahe.