PREVENTIVE SUSPENSION | Prangkisa ng bus na naaksidente sa Occidental Mindoro, sususpendihin ng LTFRB

Occidental Mindoro – Sususpendihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng tourist bus na nasangkot sa aksidente sa Occidental Mindoro noong Sabado.

Magpapalabas ng preventive suspension order ang ahensya sa dalawang units ng charm travel and tours bus company matapos madiskubreng out-of-line ang mga ito.

Nabatid na ang LTFRB Region 3 ang nag-isyu ng prangkisa para sa mga naturang bus kung saan naganap ang trahedya sa Occidental Mindoro na malinaw na parte ng region 4.


Matatandaang dadalo sana sa Southern Tagalog Region Association of State Universities & Colleges Olympics (STRASUC) 2017 Occidental Mindoro State College sa bayan ng San Jose ang mga opisyal at estudyante ng University of Rizal System (URS) sa Morong, Rizal nang sila ay maaksidente.

Nawalan ng kontrol ang bus at nahulog sa isang malalim na kanal kaya at dalawa ang nasawi habang 26 ang nasugatan.

Facebook Comments