Hindi maaaring bumili ang mga pribadong kumpanya ng COVID-19 vaccines na walang partisipasyon ang pamahalaan sa transaksyon nito.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna ay mayroong emergency use authorization – ibig sabihin may pananagutan ang gobyerno sa mga indibiduwal na makakaranas ng side effects ng bakuna.
Hindi rin maaaring sagutin ng manufacturer ang pondo para sa indemnification.
Dagdag pa ni Galvez, mas makakamura rin sa pagbili ng bakuna ang pagkakaroon tripartite agreement sa pagitan ng national government, local government units at ng pribadong sektor.
Itinanggi rin ni Galvez ang mga ulat na ipinahinto ng pamahalaan ang mga LGUs at mga pribadong kumpanya na bumili ng bakuna.
Facebook Comments