Pribadong sektor, isasama ng DA sa Crisis Management Team para solusyunan ang sakit na pumapatay sa mga baboy

Hinikayat ng Department of Agriculture ang pribadong sektor na tumulong upang maprotektahan ang backyard piggery laban sa sakit na pumapatay ng mga baboy.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, isasama ng ahensiya ang pribadong sektor partikular ang agribusiness industries sa Crisis Management Team.

Aniya, mahalaga ang papel ng  private sector at LGUs sa pagmonitor at pag-evaluate ng mga hakbang sa pagkontrol sa sakit na pumapatay sa mga baboy sa ilang lugar sa Luzon.


Iniutos ni Secretary Dar sa Bureau of Animal Industry na magsagawa ng confirmatory laboratory tests, kabilang ang pagpapadala ng blood samples sa mga foreign laboratories para masiguro ang sanhi ng pagkamatay ng mga baboy.

Nanawagan ang kalihim sa mga grupo ng mga hog raisers sa bansa na iwasang magpakain ng mga kaning-baboy o tirang pagkain mula sa mga kapitbahay o sa mga restaurant at istriktong maipatupad ang mga bio-security measures.

Facebook Comments