Saturday, February 21, 2026

Pribadong sektor, makabubuting maging aktibo sa pagtulong na maresolba ang kakulangan sa mga silid-aralan

Ikinabahala ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagtaya na aabot sa 51,000 ang public school buildings na maituturing na structurally unsafe o hindi na ligtas gamitin pagsapit ng 2028.

Bunsod nito, iginiit ni Yamsuan ang kahalagahan na maipasa agad ang House Bill 7362 o panukalang humihikayat sa pribadong sektor at civil society organizations na higit na maging aktibo sa pagtulong na maresolba ang kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa.

Iniuutos ng panukala ang pagpapatupad ng gobyerno ng Classroom-Building Acceleration Program (CAP), kung saan gagawing mas madali o simple ang procurement modes, accounting, auditing, at liquidation procedures para sa private sector participants.

Paliwanag ni Yamsuan, napakalaki ng kakulangan sa mga silid-aralan kaya hindi ito kakayanin ng gobyerno na harapin nang mag-isa.

Nagpasalamat naman si Yamsuan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa pagsama sa CAP Act sa mga prayoridad nitong panukalang batas.

Facebook Comments