Hindi na papasok sa tripartite agreement ang mga negosyante para sa pagbili ng new generation o bivalent vaccines laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ng negosyanteng si Joey Concepcion na ipauubaya na nila sa pamahalaan ang pagbili ng mga bagong bakuna.
Mas makabubuti aniya kung ang gobyerno na lamang ang mangasiwa sa lahat ng kailangang bakuna upang mas maging simple ang proseso ng pagbili nito sa ibang bansa.
Tutulong na lamang aniya ang pribadong sektor sa proseso ng pre-registration ng lahat ng kanilang mga manggagawa na handa o gustong mag-avail ng bivalent vaccine.
Maari rin aniya itong gawin ng mga local na pamahalaan o ipa pre-register na ang kani-kanilang constituent para malaman na ngayon pa lamang ng gobyerno kung gaano karaming bivalent vaccines ang kailangang bilhin.
Sinabi pa ni Concepcion, sa kaniyang pagkakaalam, bibili na ang gobyerbo ng bivalent vaccine sa unang quarter ng susunod na taon.