Pribadong sektor, patuloy na makikipagtulungan sa pamahalaan para maiangat ang employment situation ng bansa

Patuloy na makikipagtulungan sa pamahalaan ang pribadong sektor upang maipagpatuloy rin ang pag-angat ng employment situation sa bansa.

Ito’y kasunod ng naitalang 96.9% employment rate sa bansa noong December 2023, na pinakamataas simula noong April 2005.

Sa pulong sa Malacañang, inihayag ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na hangarin nilang maibaba pa ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa pamamagitan ng job matching at upskilling.


Layunin nitong ihanay ang kakayahan ng mga Pilipino sa mga available na trabaho.

Suportado rin nito ang certification programs at kolaborasyon sa iba’t ibang industriya at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO).

Samantala, target naman ng pribadong sektor na maglunsad ng lingguhang job fair sa 70 malls sa bansa ngayong taon.

Facebook Comments