Pribadong sektor, pinapahintulutan ng Bayanihan 2 na bumili ng COVID-19 vaccine

Hindi maaaring solohin ng gobyerno ang pagbili at distribusyon sa bansa ng bakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ni Senator Pia Cayetano, nakasaad sa Section 12 ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na maaari ring bumili at mag-distribute ng COVID-19 vaccine ang pribadong sektor.

Ayon kay Cayetano, ito ay basta susundin ng pribadong sektor ang mga patakaran na itinakda ng gobyerno at ng mga umiiral na batas sa kanilang pagbili ng bakuna mula sa mga rehistradong pharmaceutical companies.


Diin ni Cayetano, ang nabanggit na Section 12 sa ilalim ng Bayanihan 2 ay mananatiling epektibo tatlong buwan makalipas ang December 19, 2020 o hanggang ‪March 19‬, 2021.

Dagdag pa ni Cayetano, ang pribadong sektor ay maaasahang katuwang ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments